Sunday, June 25, 2006

Ang Musika at Ingay

I. Layunin
Nabibigyang-tuturan ang musika
Nakikilala ang mga pinagmumulan ng tunog
Nakagagawa ng iba't ibang uri ng tunog

II. Nilalaman
A. Paksa : Ang Musika at Ingay
B. Kagamitan : aklat, piraso ng tabla, pares ng patpat, perang barya
C. Sanggunian: MAPEH I nina Vilma V. Perez at mga kasamahan, pp. 3-5.
D. Website Address: www.jonathanjimenezinhs.blogspot.com

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
B. Presentasyon at Talakayan
Ang musika ay kumbinasyon ng mga organisadong tunog. Ang tunog ay nalilikha sa pamamagitan ng vibration ng mga bagay sa pamamagitan ng isang medium o reaksyon. Ang musika ay maaring mula sa kalikasan - musikang dulot ng lagaslas ng tubig, huni ng ibon at kulisap, patak ng tubig at langitngit ng kawayan - o kaya'y galing sa mga instrumentong pangmusika gaya ng gitara, plawta, harpiya, tambol, gong at marami pang iba.

Ang tunog ay maaring musika o ingay. Ang mga awitin sa umaga, ang paghehele ng isang ina sa kanyang anak, ang pagaspas ng mga ibon sa langaylangayan, ang hudyat ng tanghaling tapat sa simbahan ay ilan lamang sa mga halimbawa ng musika. Ito ay binubuo ng mga tunog na nakaaaliw, masarap pakinggan at kaiga-igaya sa pandinig. Ang mga tunog naman mula sa gumuguhong gusali, ang humahagibis na tren ng LRT, ang putok ng mga baril sa isang digmaan, ang tungayaw ng nag-aaway na mag-asawa ay mga halimbawa naman ng ingay. Ito ay mga tunog na masakit sa pandinig, nakakatakot at maaring magbadya ng panganib sa nakikinig.

Para sa karagdarang impormasyon, magtungo sa mga sumusunod na link:
http://en.wikipedia.org/wiki/Music
http://www.crystalinks.com/music.html



C. Aplikasyon at mga Gawain
Gawain 1 - Pag-awit ng awiting-bayan: Leron-leron Sinta
Gawain 2 - Pakikinig sa isang awitin. Magtungo sa para sa pakikinig ng musika
Gawain 3 - Pagsasagawa ng mga likhang-tunog galing sa pinupokpok na patpat at kawayan, nalaglag na perang barya, ginagalaw na silya at pinapalong mesa.
Gawain 4 - Pagpapangkat-pangkat ng mga tunog ayon sa uri - musika o ingay.

D. Paglalahat
Gumawa ng iyong paglalahat o pagbubuod sa mga natalakay na natin sa unahan.

IV. Pagsusubok

Subukin ang iyong natutunan. Magtungo sa link na ito: http://www.prongo.com/quizstation/
Ang inyong Class Key ay MAPEH I at ang Password ay 1234567.

V. Kasunduan
Pag-aralan kung ano ang pitch o antas ng tunog sa musika. Magtungo sa link na ito: http://www.cnx.org/content/m10943/latest/

1 Comments:

At 2:14 AM, Blogger Charlene said...

ANG MUSIKA AY TULAD NG SINING NA NAGPAPAKITA NG IBA'T-IBANG DAMDAMIN NGUNIT SA MUSIKA NAIPAKIKITA ITO SA PAMAMAGITAN NG PAGKANTA,NAGPAPAKITA ITO NG IBA'T-IBANG EMOSYON.PARA SA IBANG MANGAAWIT NAIPAKIKITA NILA ANG KANILANG SALOOBIN SA PAGKANTA.PARA SA AKIN KAHIT NA HINDI AKO MARUNONG KUMANTA NANINIWALA AKO SA NANINIWALANG SA PAGKANTA AY NAIPAKIKITA MO ANG IYONG EMOSYON.

 

Post a Comment

<< Home